
Mabilis na nakuha ng Pinoy Dream Academy expelled scholar na
si Bea Muñoz ang atensyon ng mga manonood dahil sa malakas niyang personalidad.
Nakatulong din ng malaki ang pagkakaroon niya ng ugnayan sa co-scholar na si
Miguel Mendoza sa loob ng akademya para makilala siya agad. Si Bea ang
kasintahan ni Miguel na sumali rin dati sa kauna-unahang Philipine Idol sa ABC-5.
"Feeling ko po, papasok siya [Miguel] sa
Top Four. Deserving siya, and nakuha niya po ang tamang boses and we all learned
how to sing properly there and we found our own style of singing. So, I really
think that he deserves to be in the Top Four," pahayag ni Bea sa ibinigay na
presscon ng ABS-CBN para sa mga expelled scholars ng PDA.
Nilinaw din ni Bea na walang kinalaman
ang dream mentor na si Ryan Cayabyab kaya nasa loob pa rin ng akademya ang
boyfriend niyang si Miguel, na nakasama rin noon ng mahusay na kompositor sa Philippine Idol.
"Ah, wala pong kinalaman. Kasi lahat po
kami we strive hard. We strive hard for the audition. Lahat po kami pumila. We all did our exams well. We all
learned our lessons well. So, we are all deserving."
Ano ang natutunan niya sa loob ng PDA?
"Ang natutunan ko po is to make the
disadvantages nga po into an advantage."
THROAT
CYST. Marami naman ang na-curious kung bakit may
pagkapaos ang boses ni Bea kahit ilang linggo na rin naman mula nang lumabas
siya ng PDA.
"Ah, well po, may cyst po ako sa
lalamunan. Same as Bunny po. I've a cyst kaya ako palaging paos and I believe
na ang pagiging paos is one way of singing. Kung si Mariah Carey nga paos
ang boses at sumikat. So, isa po yung style.
"Disadvantage na naalis ako, advantage
din po siya dahil magiging headstart for me. So, nakaka-learn na akong kumanta
at sumayaw at umarte."
Totoo bang paglabas ni Bea ng PDA ay agad na dinala siya sa isang
psychiatrist?
"Yes po. Ah, sabi po ng psychologist na
I'm very true to myself. Kasi po hindi ako isang plastic na tao. I believe
na kung ayaw ko yung tao, okey. I'll give the person a chance. Ang
pagiging plastic po it's not in my vocabulary and he knows that because I was
very open to other experiences there. And alam ninyo po na the way I was acting
inside and the was I was acting outside, pareho lang po."
NOT
FOR SINGING. Sinabi sa kanya ng isa sa mga judges
ng PDA na si Gerald Salonga na hindi
para sa kanya ang pagkanta. Nakaapekto ba ito sa pagkuha ni Bea ng goal niya?
"Yun nga po. Well, for me po kasi I
really learned. The thing is pagdating ng Saturday... so, kanta ako ng Monday,
Tuesday, Wednesday, Friday. Pagdating ng Sabado sumasakit na po ang lalamunan
ko because I really tried."
Na-overpractice siya?
"Parang ganun po because nga may cyst
ako. Yung health ng throat ko is not as healthy as others na, mag-practice ako ng
sobrang tagal napapaos na po. That's why I always have to drink liquid. So,
feeling ko po hindi lang nila nakita. Pero my mentors know how much I've
learned and changed."
Nasaktan ba siya sa sinabi ni Gerald sa
kanya?
"Ah, actually po nung sinabi niya
na singing is not for me, it made me think na maybe I'm into something
else. But also in the same industry. So, hindi naman dahil hindi ako magaling
kumanta, hindi na ako puwedeng kumanta forever. I can also go into hosting
or acting, or deejaying, but also sing because I like singing. ‘Tsaka for me yung
sinasabi nila against me it will challenge me more to strive harder."
VOTES. Nagulat ang iba sa napakababang votes na nakuha ni Bea kaya na-expelled
siya sa PDA. Alam naman kasi ng
marami na kabilang si Bea sa isang nakaririwasang pamilya sa Alabang.
"My family actually didn't want to vote.
Honestly po, my family didn't want to vote. They felt na it should depend on the masses. They said that if I wanted it, I
have to strive hard for it, I have to strive hard for the vote that I will get.
Hindi po dahil kaya namin or sa boto nila, doon ako mag-i-stay kasi it would be
unfair to the others. So, they wanted to be fair."
Ano ang reaksyon ng parents niya noong pinaalis siya sa PDA?
"Well, masaya po sila na at least kasama
na po nila ako. Sad dahil malapit na po ako sa dream ko, di ba? ‘Tapos naputol
po. So, yun po."
Payag ba sila na mag-artista siya?
"Nung una po ayaw po nila. Pero alam po
nila how much I love it."
Boto pa rin ba ang pamilya niya kay
Miguel bilang boyfriend niya pagkatapos ng nangyari sa kanila sa loob ng
academy?
"Opo, actually, lahat po kami friends.
At saka maski inaaway niya ako, alam ko, he's just doing that because of
his dream."
Three-and-a half years nang
magkarelasyon nina Bea at Miguel. Second year high school pa lang daw siya
nung maging sila ni Miguel habang nag-aaral sa La Salle Zobel de Ayala sa
Alabang.
WHO'S
GAY? Isa sa pinagdududahan ang gender sa loob ng
academy si Miguel. May ganito rin bang nararamdaman si Bea about Miguel?
"Uhm...kasi Miguel and I started as
best friends. ‘ Tapos nung una, dapat hindi kami magiging on pero kasi
sabi ko ang best friends pang friend lang talaga, siyempre, because I
was open to him in a different way. But you know, he really strived
hard at saka pina-impress po talaga ko ni Miguel. So, naging kami po."
Hindi ba bading si Miguel?
"Hindi po siya bading."
Sino sa tingin niya ang bading sa loob ng academy?
"Hindi ko po alam kasi I wasn't able to spend that much [time]... Kasi nung lumabas na
po yung issues wala na po ako sa bahay."
Ano ang plano niya ngayong wala na siya
sa Academy?
"Ang plans ko is to strive harder and to
prove to people that...kasi [some] people say that I don't deserve to be in the
Academy and for me I will strive hard to prove them wrong because I was
chosen for a reason," tapos ni Bea.
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
